PADYAK

Alam ko na ilang buwan naring natigil ang mga daliri ko sa pagsusulat, dahil naging abala rin sa ibang sining ng paglikha. Pero ang pangunahing dahilan ay ang walang humpay ko na pagpadyak. Hindi nako magpapaligoy-ligoy pa…pagpadyak ng bisekleta ang tinutukoy ko.

 

Bago pa nauso ang mga mamahaling bisekleta, pumapadyak na kami ng kapatid ko. Kaya hindi na ito bago sakin. Mga bakal pa na batalya ang gamit namin noon, na talagang pasan mo ang krus sa bigat. Ngayon lang naman nagsilitawan ang mga batalya na halos halaga na ng segunda mano na sasakyan o kaya mas mahal pa sa bagong motorsiklo.

 

O ayan, nagiging simbolo na naman ng katayuan sa buhay ang bisekleta ngayon. Ginagawang palamuti at alahas para sabihing may kaya ka sa buhay. Walang pinagkaiba sa mga iPad, DSLR atbp. Sige ipagyabang mo lang, bakit ‘di mo gawing kwintas?! Tulad nga ng payo sakin ng kaibigan kong seklista, wala sa mahal ng bisekleta yan! Nasa kakayahan ng paa, hita at pantiis mo, syempre hahaluan mo rin ng diskarteng lansangan, na hindi matututunan sa paaralan.

 

Maraming dahilan kung bakit pumapadyak ang tao, isa na dito ay ang ihersisyo. Kung nais mong magpaitim, mabisa rin ito dahil magdamag na nakababad ang balat mo sa tirik na araw, polusyon at maalinsangang panahon. Bakit nga ba ako pumapadyak? Wala sa mga ito ang dahilan. Kaya ako nawiwili dahil sa karanasan, pagkain at paglalakbay. Marami rin akong nakakasalamuha na iba’t ibang tao at kaugalian. Isipin mo, ang nakasanayan ng tao na marating ang isang lugar gamit ang sasakyan ay naaabot mo sa pamamagitan lang ng pagpadyak. Pagnarating mo ay anong ginhawa! Ilang matarik na lusong, banayad na patag, matagtag na lubak at makunat na ahon ang pinagdadaanan. Sa pagod ay dito mo malalaman ang kahalagahan ng panulak at pambara, parang lahat ata ng ngatain mo ay malinamnam.

 

May iilan na hindi makaunawa, natatawa at nalalabuan sa pinaggagawa namin. Anak ng puta, walang basagan ng trip! Ano naman kung gusto kong mag-almusal ng lugaw sa Antipolo, mananghalian ng samo’t saring luto ng itik sa Plaridel Bulacan, pumakyaw ng panghimagas sa Teresa Rizal, maghapunan ng bulalo sa Tagaytay atbp. Hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang paroroonan, ang pinagyayaman ko ay kung paano mo ito narating, ang karanasan at mga nakasalamuha sa byahe…yun ang tunay na gantipala mo.

 

Ito nalang isipin mo, kung matututunan ng karamihan ang pumadyak…babagsak ang kartel ng langis. Hindi na sila muling maghahari-harian para pamahalaan ang halaga ng petrolyo at mababawasan rin ang polusyon sa lansangan. Napatay man nila ang sasakyang pinapatakbo ng koryente, hindi nila mapipigilan ang mga paa nating pumadyak ng bisekleta.

About mgakwentonijuantamad

Habang inaabangang mahinog ang bayabas, dumapa muna ako't sumulat. Tingnan lahat ng paskil sa mgakwentonijuantamad

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: