UGAT NG KAHIRAPAN

PAUNAWA: Ang palabas na ito ay mahaba, bigyan ng oras para panoorin upang mapalawak pa ang kaisipan at maging mulat sa tunay na kaganapan sa Pilipinas…ang bayan na lubog sa baha at baon sa utang. Bakit? Pasadahan…

Ang kahirapan na dinadanas natin ngayon ay kapiraso lang ng tunay na anyo nito. Ito ay walang pagkakaiba sa mga bansang katulad rin natin na naghihirap, kung pagtatagpi-tagpiin ay mailalarawan ang kabuuan nito at maididikit sa katayuan natin ngayon. Ang mga tinutukoy ko dito ay ang nagpapalakad ng kartel ng langis, bangko, kalakaran, merkado at ekonomiya. Ang may hawak sa mga nabanggit ko ay ang tunay na namamahala ng bansa. Kasangkapan lang ang Gobyerno. Binubulag tayo ng ilusyon ng paglilibang, dahil ang taong mulat ay nakikialam…at ayaw nila nito. Kaya nandyan ang tulong ng mga palabas, kanta at mga kasangkapan ng paglilihis.

Madalas na sumasagi sa isip natin pagmay kilos protesta ay isang  abala o perwisyo. Lingid sa ating kaalaman, na ito ay para sa ating hinaharap. Isang pagpapaalala sa taong bayan at pangangalambag para ipaalam na hindi tayo magpapaloko. Isipin mo nalang kung wala sila, malalaman mo pa kaya ang balita na pilit sinasala ng mga naglalakihang korporasyon? Marami dyan ang nagagalit, naiinis at nabubulabog. Ang madalas pang sinasabi ay “Panay ang protesta ninyo, wala rin naman nangyayari!” Dahil ba hindi ka nakapasok at nasasayangan ka sa isang araw na kikitain? Hindi ba sumagi sa isip natin na ito ay panandalian lang? Isusugal mo ang kinabukasan para may panandaliang pantawid sa kasalukuyan? Na kapag nalugmok sa kahirapan ang bayan, ay kasama ang pamilya’t kamag-anakan mong makakaranas nito. Tapos tututol ka?

Isang halimbawa nalang ay pagtaas ng langis. Kaya nagtigil pasada ang mga tsuper, para ipamukha sa tatlong higante sa kalakaran ng langis na sila ay ganid sa kita. Dahil ang pagtaas ng langis ay pagtaas rin ng mga bilihin at pangangailangan natin sa araw-araw. Himayin natin…

HALIMBAWA:
LANGIS ang nagpapagana sa MAKINA | Kuliglig-Bangka-Barko-Traktora
MAKINA
ang naghahatid sa PAGKAIN | Delata-Karne-Gulay-Isda-Prutas-Panghimagas
PAGKAIN
ay iniimbak sa PAMILIHAN | Palengke-Talipapa-Tindahan
PAMILIHAN
ang naglalagay ng PATONG | Kita+VAT+Pasweldo+Bayarin+Krudo
sa PATONG
nakapataw ang pagtaas ng LANGIS.
LANGIS
ang nagpapatakbo ng EKONOMIYA.

Ngayon mo sabihin na hindi ka biktima ng kartel. Kung hindi ka sumasang-ayon sa protesta, ay isa ka sa mga pumapanig sa maling pamamahala. Dahil ang taong walang pagkilos o ginawa para makialam ay isang uri ng pangungunsinti sa pang-aabuso. May kaalaman man ito o salat, bilang tao ay obligasyon mong matuto at karapatan mong malaman ang katotohanan.

Ngayon, panoorin natin ang palabas na nakapaskil at pagnilayan. Bigyan natin ng oras para pasadahan ito’t himayin. Para pagyabungin pa lalo ang ating kaalaman sa mga bagay bagay. Ito ang palabas na hindi natin napapanood sa telebisyon, naririnig sa radyo at nababasa sa pahayagan.


About mgakwentonijuantamad

Habang inaabangang mahinog ang bayabas, dumapa muna ako't sumulat. Tingnan lahat ng paskil sa mgakwentonijuantamad

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: