MANHID

Lahat ng matanaw ko ay anyong bato na

Maparebulto, pader, puso’t kaluluwa

Ang balat ay namamantal na’t namumutla

Puti narin ang batayan ng maganda

Kalkalin man ang ugat ngunit upos na

Mga hiyas na kinamkam at naremata

Nasabuyan ng lason ang diwa ng salita

Nang aninong mapanlinlang at mapangkutsa

Sa paglayag nagpatangay sa indayog ng alon

Dahil namulikat na ang bisig sa pagsagwan

Sa pangpang ng kanluran inanod ng daluyong

Katulad rin ng damong ligaw sa kapatagan

Sa kinakapos na bilang ng mga kawal

Ay wala ng diin ang aliw-iw ng hinaing

Na dapat ay huni ng tambuli para manawagan

Sa mga mahimbing ang tulog ngunit gising

About mgakwentonijuantamad

Habang inaabangang mahinog ang bayabas, dumapa muna ako't sumulat. Tingnan lahat ng paskil sa mgakwentonijuantamad

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: