PASAKIT NA PASAHE: LRT at MRT

Walang preno kung magtaas ang pasahe, aprubado na’t araw nalang ang bibilangin kung kailan ito ipapatupad. Kahit magsikip pa ng sinturon ay mamimilipit ka sa sakal ng nagtatayugang presyo ng bilihin, dagdag pasahe dahil sa petrolyo, pero ang sweldo ay dekada ang inaabot bago dagdagan. Kaya ang sagot para makatipid ay sumakay nalang sa MRT at LRT. Ang tanong ngayon ay paano nalang kung pati ang inaasahan mong tren ay magtataas narin? Kaya ngayon palang mag-ipon ka na para makabili ng bisekleta o kaya magsanay na maglakad lakad ng milya. Pwede ring magdala ka nalang ng lutuan, banig at kulambo, para sa lansangan ka na matulog katabi ng opisina, gusali, paktorya kung saan ka nagtatrabaho. Biyernes o Sabado ka nalang umuwi para isang gastusan nalang sa pasahe.

Bilang isang taong mapaghinala, kataka-taka na bago nila itaas ang pasahe, sunod sunod ang aberya sa estasyon ng tren. Maganda nga namang palabas ang kakulangan ng pondo sa pagkukumpuni ng makinarya. Ang malaking tanong ngayon, hindi pa ba sapat ang bayad ng mga ahensya sa billboard at karatula na pinapaskil nila doon? Kada estasyon ay tadtad na nga ng patalastas. Bilangin mo nalang kung ilan at magkano ang isa, depende kasi yan sa laki at kung nakabuyangyang sa kahabaan ng Edsa at Aurora. Isama mo pa ang bintana ng tren na halos di mo na makita ang loob dahil kung ano-anong produkto ang bumubungad sayo. May sariling radyo pa ang MRT at LRT, kaya noong eleksyon ay patok sa mga politikong  nanunuyo ng botante. Ilang daang libo kaya ang binabayad sa kada trenta o sisenta segundos na patalastas? Syempre kung matao ang lugar at dinadaan daanan, hindi mawawala ang mga naglalako. Sa kada estayon ay ilang hele-helerang tindahan ba ang nakikita mo? ‘Wag nilang sabihin na libre lang ang paupahan doon. Sa kapitalistang tulad nila ay walang salita na “kawang gawa”, lahat ay negosyo lang.  Isipin mo nalang kung magkano ang kinakabig nila kada buwan. Buti sana kung may karagdagang tren na kada minuto’y dumarating at amoy bago pa. Mas maluwag pa nga ang lata ng sardinas kumpera sa MRT, may kasama pang balya’t murahan yun at kung mamalasin ay madudukutan ka pa. May magagawa ba tayo kung nag-iisa lang siya sa gitna ng Edsa o Aurora? Papaikot-ikutin ka lang nila sa pagpapaliwanag at listahan ng gastusin…sa bandang huli ay napatupad din ang pasakit na dagdag pasahe.

Kaya kung kakulangan sa pondo ang idadahilan nila sa dagdag pasahe, ay aba…kapanipaniwala nga.

About mgakwentonijuantamad

Habang inaabangang mahinog ang bayabas, dumapa muna ako't sumulat. Tingnan lahat ng paskil sa mgakwentonijuantamad

One response to “PASAKIT NA PASAHE: LRT at MRT

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: