PIRA-PIRASONG PARU-PARO

Isang higad kung ituring ang sarili

Dahil sa takot na matukso’t malait

Namantsahan na ang katinuan ng isip

Sa kagandahan ay naging ganid

 

Namuhunan sa kulay at postura

Kaya hinulma ang hugis at kaanyuan

Abala sa panlabas na larawan

Para kamanghaan at makabihag

 

Isang bituin sa pinilakang tabing

Namamayagpag sa tingkad ng kolorete

Ihalintulad sa kinalburong piling

Walang tamis dahil hinog sa pilit

 

Napadpad sa masukal na kagubatan

Kung umasta’y kasing tayog ng gusali

Bawat paghanga’y nakaambang patibong

Mga galamay na nais mangdagit

 

Nang ‘di lumaon ay nagsilitawan rin

Ang dating tulad niya na bagong hango

Mga salat sa sining at kapos sa dunong

Iba lang ang bihis ngunit magkakabaro

 

Nakalalasong kamandag ng kagandahan

Tila umusbong na bulaklak para malanta

Dating salarin ay siya na ngayong biktima

Isang paru-parong pira-piraso na

About mgakwentonijuantamad

Habang inaabangang mahinog ang bayabas, dumapa muna ako't sumulat. Tingnan lahat ng paskil sa mgakwentonijuantamad

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: