KAHON

Simulan ng ilawan ang mga anino sa likod ng tabing

Boses na inantabayanan ng mga tengang nakatutok

At matang nakatitig sa balitang nakapiring

Pahayagang sinala para panigan ang mga pangalang

Kayang magbayad para bihisan ang may bahid ng kalawang

Eksenang tinabas sa dahilang ilihis ang tunay na anggulo

Ng pangyayari, haka-haka’t kuro-kurong pinaalab

Para lumikha ng ingay at tabunan ang ganap na kalagayan

Sandigan ba ng katotohanang matatawag?

Kung ahensyang palakad na ng pera?

Masanggi mo lang ang balikat

Ay walang humpay na ang pagbatikos

Naghahari-harian sa himpapawid

Ng modernong aparato ng diktadura

About mgakwentonijuantamad

Habang inaabangang mahinog ang bayabas, dumapa muna ako't sumulat. Tingnan lahat ng paskil sa mgakwentonijuantamad

3 responses to “KAHON

  • arex

    isa KANGIMBA! kung maari lang ehh maari ko bang ipost sa “MUHKANG LIBRO” ang mga kakaiba mong mga nobela. nakpangalan sa iyo ang mga notes na gagawin dun at. illink din ang iyong SITE. sana ay mapayagan mo kaming ipamahi sa mga tao ang mga likha mo!:)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: