UNANG BAYTANG 8. Ang Cubao

Pumatak na ang linggo. Araw ng pananampalataya. Kailangang isuot na naman ang makating polo at baston na pantalon. Ang hawi dapat ng buhok ay nasa gilid. Pwede ngang manalamin sa kintab ng sapatos ko. Pagdating sa simbahan ay aakalain mo na matimtimang nagdadasal, ang diwa ko’y kinain na pala ng antok. Yan tuloy, halos matuklap na ang balat sa kurot ni Nanay. Pagkatapos ng misa ay bibili kami sa mga naglalakong madre ng kutsinta, puto at bibingka na binudbudan ng niyog. Ang iba ay ang babait kapag binebentahan ka, pero pagnakasalubong mo naman sa loob ng paaralan ay ‘di ka man lang mangitian.

Pumara na kami ng sitak na Gemini, hindi para umuwi, kundi ay magliwaliw muna. Kalat sa mga sitak ang sticker ng mga babaeng nakabukaka.”Basta driver, Sweet Lover,” nauso yun kasi malaki pa ang kita nila. Sa laki ay pwede silang magbahay ng dalawang pamilya at higit pa. Napaso narin ang kasabihan at kahit aso, ayaw na nilang mag-alaga sa tumal ng kita. Kainitan ng Cubao noon at ang pinakamatayog pa na gusali ay ang Isetann. Sa kalayuan palang ay matatanaw mo na. Ngayon kasi ang mga pinapasyalang mall ay parang kontinente, maliligaw ka pa pagtatanga-tanga ka. Syempre, ang nakasanayan na namin na pansitan muna kami manananghalian, hele-helera ang kainan doon, na hindi mo naman maintindihan ang pangalan dahil tsinoy ang may-ari. Wag ka lang magkakamaling tumawid sa tapat dahil haharangin ka ng mga tinderang nagbebenta ng mga pantalon at damit. Dudumugin ka na parang bagong saltang preso na panggagahasa ang kaso. Malapit pa yun sa orihinal na COD kung saan nagpapalabas ng gumagalaw na manikin tuwing sasapit ang pasko. Pagkatapos kumain ay diretso sa Fiesta Carnival. Magpapakahilo muna sa umiikot na kabayo’t tasa at lilibutin ang buong karnibal sakay ng tren na may unanong nakakatakot. Paano sila kikita kung ganun ang bubungad sa’yo? Tapos dilat ang mata’t sasabihing “Halika, sakay na.”

Ang Shoe Mart naman ay literal na bilihan ng sapatos. Ngayon lang naman nagpakonyo ang SM pero dati ay pugad ng mangingikil. Kalat na kalat ang sinehan noon, isa sa mga sikat ay New Frontier at Act Theater. Pahirapan pa ang manood, uso ngang umupo sa sahig kapag punuan. Walang pagkakaiba sa bus, agawan ng mauupuan. Ngayon ay sarado na ang iba at ang mga naiwan ay motel na ng mga nagsusubuang lalakwe.

Buhay na ang Araneta noon at kagagawa lang ng Farmers Plaza. Ang sikat na bilihan ng mamahalin na laruan ay ang yumaong Uniwide. Na pagnapadaan kami ay magsasalita kaagad ang nanay ko “O walang magpapabili, ingat at baka may masanggi, ikaw ang ibabayad ko!” Napaisip tuloy ako kung ilang bata na ang naibayad sa kahera. Madalas pa magkawalaan ang mga bata, kaya mabenta ang mga guard sa mikropono, aakalain mong komentarista ng radyo. Bago umuwi ay dadaan muna sa Plaza Fair para magpahangin sa pinto nila. Iwas nga ang ibang matatanda sa pasukan, dahil baka liparin ang peluka.

Pagdating sa kanto malapit sa inuupahan naming bahay ay nagpaiwan muna ako para kumain ng nilagang itlog na parang toknene. Ginutom kasi ako sa paglalakad.

About mgakwentonijuantamad

Habang inaabangang mahinog ang bayabas, dumapa muna ako't sumulat. Tingnan lahat ng paskil sa mgakwentonijuantamad

4 responses to “UNANG BAYTANG 8. Ang Cubao

  • jason

    wow. batang cubao ka rin ano?

    mula bata hanggang ngayon dyan ang pasyalan namin ng mommy at daddy ko..

    ang fiesta carnival na ngayon ay shopwise na.
    ang rustans mall na ngayon ay ano na ba.. automatic center na ata. mga appliances.

    nanonood din kami ng palabas sa harapan ng COD. sa likod namin ay ang lagoon na puno ng tubig at may mga swanboat pa diba.

    ngayon wala na tong mga to..
    nagbabago na ang araneta. ang cubao.
    puro motel nga at mga bar.

  • neil dalanon

    swerte mo nasaksihan mo ang pagsibol ng cubao.🙂

    • mgakwentonijuantamad

      Salamat sa pagbabasa. Sinulat ko lang at paglumipas kasi ang ilang dekada baka makalimutan na ang pinagsimulan ng Cubao. Kaya nilarawan ko nalang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: