LIHAM NI ONDOY

Inay,

Kasagsagan ng gabi ng natanaw ko ang kalagayan mo

Hindi maatim na makita ang nabungkal mong balat

Na dating lilim ng sanga ngayon ay limas na

Nilalako nalang para magsilbing dingding at kisame

Tinabunan narin ang ilang daluyan mo ng tubig

Ngayon ay pinostehan ng kongkretong pabahay

At ang mga naiwan ay tinuringan ng estero

Talamak na tapunan ng mga basyo at latak

Kahit gustohin ko mang ika’y akayin

Ang pagitan natin ay langit at lupa

Tulad din ng mga anak mong nagdaan

Nagbuntong hininga’t lumuha nalang

Sa nasaksihan ko ako’y nasiphayo

‘Di matahan ang paghagulgol ko ng iyak

Paalam Inay ngayon ako’y paluwas na

Patawad kung ang hinanakit ko’y ‘di parin humupa

About mgakwentonijuantamad

Habang inaabangang mahinog ang bayabas, dumapa muna ako't sumulat. Tingnan lahat ng paskil sa mgakwentonijuantamad

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: