SITAK Kwentong Pampasada Pangalawang Bahagi

Kaya sinuyod nalang namin ang daan at tiniis ang mga pait na sinapit niya sa buhay. Nangibang bansa na raw ang kanyang asawa at may pamilya ng iba. Nagsipag-asawa narin ang kanyang mga anak kaya’t nag-iisa nalang siya sa bahay. Napaisip tuloy ako kung hiniwalayan siya dahil sa pagkalulong sa bisyo o kaya naman nalulong dahil iniwan siya?

Daig pa namin sa kadaldalan ang mga komentarista sa radyo tuwing umaga. Nalabuan ako ng nabanggit niya sakin na siya ay maka-Diyos at kasapi siya sa isang kilalang sekta ng Kristyanismo. Ang relihiyong kinabibilangan niya ay nasa ganap na kaligtasan at ang hindi kabilang ay mga sinumpa’t ligaw. Pumantig ang tenga ko, kahit alam kong palong-palo siya. Ayaw ko sanang patulan at ayaw ko ring makipagdebate sa isang paksa na hanggang ngayon ay pinagtatalunan parin. Pero sige! Alang-alang sa haba ng dikit-dikit at halos hindi umuusad na mga sasakyan.

Kaya tinadtad ko nalang siya ng mga tanong para yanigin ang kanyang pananampalataya.

1. Kung Diyos ay pag-ibig, bakit kadalasan ay relihiyon pa ang dahilan para hadlangan ang taong nag-iibigan?

2. Hindi ba ang layunin ng relihiyon ay pagbuklodin ang tao at hindi maging instrumento ng deskriminasyon o pader ng debisyon?

3. Ano ba ang batayan mo sa pagtulong? Dapat maging kapatid muna siya sa pananampalataya bago mo tulungan?

4. Ganap na relihiyoso ka ba kung ginugugol mo lang ang oras mo sa pagsamba?

5. Kung ang Diyos lang ang may karapatang humusga, bakit kailangan mong husgahan ang ibang relihiyon na sinumpa’t ligaw?

6. Bakit hanggang ngayon ay pinagtatalunan parin ang relihiyon? Mahirap bang ipaliwanag ang kahulugan ng pag-ibig?

7. Kung ang Diyos ay nakatataas kanino man at hindi kayang pantayan ng pag-iisip ng tao, bakit patuloy parin Siyang binabasa naaayon sa pagkakaintindi nila at paniniwala?

8. Kung ang Banal na Aklat ay salita ng Diyos ngunit sinulat ng maraming tao, hindi ba sumagi sa isip natin na may posibilidad na magkamali ang tao sa pagpapasa-pasa’t pagsasalin-salin nito sa iba’t ibang lengwahe’t dayalekto kaya hindi rin matapos tapos ang pagtatalo at debate tungkol sa relihiyon?

9. Magugustuhan kaya ng Diyos kung ang relihiyon ay isa sa mga pangunahing dahilan ng hidwaan ng tao?

Para tuldukan ang pag-uusap namin, inabutan ko nalang siya ulit ng sigarilyo. Hindi na niya ako halos matitigan. Nagmistulang simenteryo ang sitak sa katahimikan. Hanggang pumara na ako’t halata parin sa kanya ang pagkabalisa at siguro’y pilit parin niyang sinasagot ang mga binitawan kong tanong. Magsilbi sana itong bangungot sa kanya na bumubulong bago siya matulog.

Pampalubag loob ay nagpatong ako ng dagdag sa metro. Hindi ko alam kung tulong ko na sa kanya yun o lalo ko lang siyang kununsinti para may panggamit siya mamaya.

About mgakwentonijuantamad

Habang inaabangang mahinog ang bayabas, dumapa muna ako't sumulat. Tingnan lahat ng paskil sa mgakwentonijuantamad

2 responses to “SITAK Kwentong Pampasada Pangalawang Bahagi

  • jerry cayamdas

    kaibigan, maaring hindi nila masagot ang iyong mga katanungan na iyan, subalit kung gusto mo ay sasagutin ko.

    • mgakwentonijuantamad

      Magandang araw sayo. Bilang respeto sa pananaw mo at paniniwala, maaari mong sagutin ang mga tanong ko. Sana’y wala akong nasagasaan sa mga naisulat ko. Tulad nga ng sinabi ko, sana’y walang maganap na debate dito sa isang paksang hanggang ngayon ay pinagtatalunan parin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: