SITAK Kwentong Pampasada Unang Bahagi

May hinahabol akong oras kaya’t pumara nako ng sitak. Unang bungad sakin ng driver “Brad sumusundot ka ba ng damo?”. Nabigla ako kaya’t ang sagot ko ay patanong din “Anong gusto mong sagot ko? Yun gusto mong marinig o yun dapat mong marinig? Depende kung pulis ka.” at dinaan ko nalang sa ngisi. Dito na nagsimula ang kanyang kwentong pampasada.

Malapit daw siya sa kalikasan dahil kada hithit niya ng damo, ang poste’t buhol-buhol na kable ng meralco ay para daw sanga-sangang mga puno. Medyo nag-alangan ako dahil baka isipin niya na lawin ang kotseng minamaneho at paliparin niya ito. Kaya inaya ko siyang buksan ang mga bintana’t manigarilyo nalang. Mas gugustuhin ko pang malanghap niya ang polusyon para bumalik siya sa reyalidad. Nagkatotoo nga!

Una niyang tinanong sakin “Brad, anong trabaho mo?”, tugon ko “Manunulat, ang liit nga ng kita at madalas wala pa sa oras ang sweldo.” Hinirit ko yun dahil naaamoy kong balak niyang magpadagdag kundi naman ay tutukan niya ako ng patalim para may panggamit siya mamaya. Hinala ko kasi, may nakasundot ba ng damo na dilat na dilat at halos mabungi na ang ngipin? Bigla na niyang kinuwento ang kasaklapan ng buhay niya na iniwan na raw siya ng kanyang asawa. Kailangan kong makinig dahil lintek na edsa, buhol buhol na naman ang sasakyan!

About mgakwentonijuantamad

Habang inaabangang mahinog ang bayabas, dumapa muna ako't sumulat. Tingnan lahat ng paskil sa mgakwentonijuantamad

5 responses to “SITAK Kwentong Pampasada Unang Bahagi

  • mr. sleepyhead

    may mga ganung drayber pa pala sa mga araw na to…kakatakot minsan sumakay sa mga ganyang taxi..mamaya mga bangag sila..Pero as a writer nakakakuha ka ng mga ideya based on their experiences that you could use in your writings db???

    • mgakwentonijuantamad

      Marami pa sila. Magaling lang magdala ang iba. Basta’t tirik na tirik ang mata at parang laging natitinga o kaya naman ay nabubungi na ang ngipin, kumpirmadong gumagamit yun. Kaya mag-ingat. Mapagmatsag at pag-isipan ang bawat kilos at huwag pangunahan ng takot.

  • anikapaulette

    parati ako naloloko sa taxi sa pinas!!!!! e wala naman ako lisensya, pa drive na lang ako sa pamilya o sa kasalukuyang syota o sa syotang nakaraan o sa kaibigan.. nakuha mo na ang punto.

    pero kung di available edi taxi diba?
    E parati naman ako niloloko ng presyo nakakainis at nakakatakot kasi hindi naman ako lumalaban, umiiyak nalang ang puso ko pag binayaran ko ng 300
    kahit dapat 120 lang…

    buti nalang dito bus. Sosyal bus dito haha. not

    • mgakwentonijuantamad

      Ibabahagi ko sa’yo kung paano dumiskarte. Pagpumara ka, ‘wag ka kaagad sasakay. Sabihin mo muna kung saan ka pupunta. O kaya naman, silipin mo yun adres na nakapaskil sa sitak. Tignan mo kung malapit lang garahe niya sa pupuntahan mo. Ang madalas na nagpapadagdag ay mga sitak na nalalayuan sa lugar na paghahatiran. Kung pumayag naman at nagpapadagdag, sabihin mo bente lang ang kaya mo. Kung ayaw, wag ka ng makipagtalo, saraduhan mo ng pinto’t mag-abang nalang ng iba. Kung sakali mang nakasakay ka na at tsaka lang siya magsasabi ng dagdag pasahe, ito ang sabihin mo “Naku manong, dapat sinabi niyo kanina para hindi na’ko sumakay. Bente pesos lang kasi ang kaya kong idagdag. Marami namang pasahero pagdating sa amin. Kung ayaw ninyo ay dito nalang ako bababa.” Huwag kang magbabayad ng buo. Ugaliing magpapalit ng barya bago sumakay at ihiwalay mo na ang pamasahe mo. Para kapanipaniwala kapag nilabas mo ang pera. Ano naman ngayon kung isipin niyang kuripot ka, ang importante hindi ka naman naloko.

    • mgakwentonijuantamad

      Nahalata ko, napaghahalo mo ang salitang kanto sa tradisyonal na tagalog. Pero ayos lang, magandang simula yan. Magbasa ka lang lagi at matututunan mo rin. Wag matakot tumingin sa diksyonaryo. Bakit mo ikakahiya, sariling wika natin yun. Paano mo magagawa ang gusto mo kung lagi mong iniisip ang sasabihin ng iba. Ang kahihiyan ay lilipas rin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: