SA PILING NI MAGDALENA

Minsan ay nahulog sa kandungan ni Magdalena

Na may kalakip na supling, isang binhing iba ang nagpunla.

Pinagtagpo kami ng gabi

Mula sa liwanag ng mga ilaw na tila pundido.

Sa bawat kampay ng saplot ay rinig ang makamundong mga tinig

Na halos hindi kumurap ang malalaswang mga titig

Dahil hindi pa makuntento sa bakat na hubog ng katawan.

Hindi kayang sunugin ng bumbilya sa entablado

Ang porselana niyang balat

Na mas tinitingala pa sa tirik na buwan.

Kapag nasulyapan ang tangan niyang hiyas

Ay aapaw na ang alak sa lalamunang tigang.

Sa bawat senyas ng daliri ay may halagang nakapataw.

Papel lamang ang katumbas ni Magdalena…

Aanhin mo pa ang bato para siya ay husgahan?

About mgakwentonijuantamad

Habang inaabangang mahinog ang bayabas, dumapa muna ako't sumulat. Tingnan lahat ng paskil sa mgakwentonijuantamad

5 responses to “SA PILING NI MAGDALENA

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: