BANGUNGOT

Sa gitna ng nakabibinging katahimikan
Mapagpanggap ang mga eskinitang
Tila payapa at walang bahid ng krimen

Ngunit ang lamat ng panganib
At ungol ng pagmamakaawa
Ng mga biktimang nangulila
Sa mabagal na pag-usad ng hustisya
Ay nakabinbin nalamang

Dahil napasakan na ng ginto at pilak
Ang mga labing maglalahad sana
Ng larawan kung paano sila ginapos
Habang hayok na hayok
Na tinatastas ang saplot sa maseselang bahagi
Ng mga matang bumabaga sa pagnanasa

Sa paglitaw ng hiyas
Ay sinimulan ng pilahan ng mga aninong
Animo’y baboy
Pilitan mang pumiglas sa pwersa ng bisig
Ngunit nakalantad na ang hubad na balat
Kaya patuloy ang palad sa paghipo

Nagmistulang katya ang hibla ng damit
Sa dagtang nanuyo
Umaalingasaw sa silid ang singaw ng pawis
At bakas sa papag ang mga kalmot

Lumipas ang araw, buwan at taon
Naghilom na ang mga sugat
Maliban sa puso….

About mgakwentonijuantamad

Habang inaabangang mahinog ang bayabas, dumapa muna ako't sumulat. Tingnan lahat ng paskil sa mgakwentonijuantamad

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: